Ngunit dumating na si Cristo, ang Dakilang
Saserdote ng mabubuting bagay na narito na. Siya’y naglilingkod
doon sa sambahang lalong dakila at walang katulad, hindi ginawa ng tao,
alalaong baga’y wala sa sanlibutang ito. Minsan lamang pumasok si
Cristo sa Dakong Kabanal-banalan, at iyo’y sapat na. Hindi dugo
ng nga kambing at bisirong baka ang kanyang dalang handog, kundi ang
sariling dugo, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin.
(Heb
9. 11).
Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya nang
makapapasok sa Dakong Kabanal-banalan sa pamamagitan ng dugo ni
Jesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buhay na
daang naglagos hanggang sa kabila ng tabing---alalaong baga’y ang
kanyang katawan. Tayo’y may isang Dakilang Saserdote na
namamahala sa sambahayan ng Diyos.
(Heb
10.
19-20).
Pagkatapos nito ay babalik ako, At muli kong itatayo ang
bumagsak na TABERNAKULO NI DAVID. Muli kong ibabangon mula sa kanyang
pagkaguho, Upang ang Panginoo’y hanapin ng ibang tao, Ng lahat ng
bansang tinawag ko upang maging akin. Gayon ang sabi ng Panginoon na
nagpahayag ng mga bagay na ito mula pa noong una.
(Ac 15. 16, 17).